Online Appointment

https://bc.baliwag.gov.ph/
January 2018
Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930311234

Paano kumuha ng Baliwag Benefits Card?

Kasalukuyang nagbabahay-bahay ang mga enumerators ng munisipyo ng Baliwag para kunin ang impormasyon na kailangan para sa mga nais kumuha ng Baliwag Benefits Card. Ang ONLINE APPOINTMENT SYSTEM na ito ay ginawa para mabigyan ng pagkakataon ang mga Baliwagenyong pumapasok sa paaralan o sa trabaho na makapag-apply ng kanilang benefits card.

Para sa maayos at kumbinyenteng pag-aapply, sundin lamang ang mga sumusunod:

  1. Mag-book ng schedule mula sa kalendaryo ng appointments. I-click ang petsa na kayo ay available at pumili ng isang slot. **Isang slot lamang ang maaaring i-book ng isang aplikante. Siguruhing makakapunta sa oras ng iyong appointment.
  2. Sagutan at kumpletuhin ang mga hinihinging impormasyon na lalabas matapos pumili ng schedule.
  3. I-submit ang iyong booking request at hintayin ang confirmation sa iyong ginamit na email address. Basahing mabuti ang mga detalye at instructions na nakalagay sa email confirmation.
  4. Puntahan ang iyong appointment dala ang mga sumusunod na requirements:

Isang primary valid ID

  • Passport
  • Driver’s License
  • NBI Clearance
  • Alien Certification of Registration? Immigrant Certificate of Registration
  • Unified Multi-Purpose ID (UMID)
  • Social Security System (SSS) Card
  • Philhealth ID (Digitized PVC)
  • Government Office and GOCC ID, e.g. Armed Forces of the Philippines (AFP ID)
  • Posta ID (Issue 2015 onwards)
  • Integrated Bar of the Philippines ID

Secondary ID

  • Police Clearance
  • TIN ID
  • Barangay Certification
  • Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
  • Senior Citizen Card
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Seaman’s Book
  • Voter’s ID
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • Company ID’s issued by Private Entities or Institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP, SEC or IC

Dapat Serbisyong May Malasakit

    AdminHome